0
Upang maibsan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin, sinulong ngayon ni Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagtatalaga muli ng Kadiwa market kung saan farm gate prices ang pagbenta ng bilihin.

“Parang ikaw mismo ang bumili sa magsasaka na pinagkukuhanan sa ganung presyo,” ani Marcos.
“Ang Kadiwa market ang naging daan upang ang mga ordinaryong tao ay makabili sa mas murang halaga at maibenta ng mga magsasaka ang kanilang pananim nang hindi na pinoproblema ang presyo ng transportasyon at mga middle man.”

Diniin ni Marcos na upang maging matatag ang presyo ng bilihin, dapat ay bumili na ang gobyerno kung ang suplay ay marami at magbenta ito kung kulang na ang suplay.
“Kailangan ang gobyerno kapag mura ang presyo ng bilihin ay dapat bumili na at kapag kulang ang ani ay magbitaw upang ang presyo ay ganun pa rin.”

Ikinalungkot nya ang sistema na pinapairal ng gobyerno na imbes na pagtuunan ng pansin ang mga pangangailangan ng magsasaka ay ang importasyon ang inuuna.”
Iba na ang ginagawa kasi katulad ng NFA, imbes na pinag-aayos ang presyo ng bilihin ay panay na lang import. Kailangan na natin palitan yan,” he said.

Sinabi ni Marcos na dapat isalba ang namamatay nang agrikultural sector sa bansa sa harap ng ASEAN integration.

“Noong mga nakaraang taon ay naghihingalo na talaga ang agrikultural sector sa Pilipinas. Kailangan nating balikan ito at ayusin dahil ang mangyayari sa integration ay matatanggal na ang import limit. Sa ngayon meron lang tayong hanggang ilang tonelada lang ang pwede i-import, pagdating ng Asean integration, tatanggalin na yun. Kailangan ihanda natin ang lahat ng sektor lalo na sa agrikultura,” paliwanag ni Marcos.

Post a Comment

Facebook Blogger Plugin: Bloggerized by DailyNewsInquirer.ml Enhanced by DNI.ml

 
Top