0

Iginiit ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na taas-noo niyang masasabing natupad ang lahat ng kanyang panata nang maupo sa administrasyon.

Sinabi ni Pangulong Aquino, sa kanyang pagbaba sa puwesto, iiwan daw nito ang bansang mas maayos kaysa sa ating dinatnan.

Ayon sa Pangulong Aquino, sa kanyang pamamahala, ang Pilipinas daw ay naging marangal at responsableng kasapi ng international community.

Giit ng Pangulong Aquino, alam ito ng lahat ng mga natulungan ng PhilHealth, mga napagtapos na iskolar ng TESDA at mga kabataang pumapasok sa maayos na mga classroom.

Alam din daw ito ng mga graduate na namimili na ngayon ng trabaho, sa halip na magkandarapa sa paghahanap nito at mga nasa lalawigang nakikinabang na ngayon sa mga kalsada, tulay, daungan, paliparan at iba pang imprastrakturang naipagawa.

p>

Lahat daw ito ay nagawa ng Pangulong Aquino sa ilalim ng demokrasya at pagsunod sa proseso ng batas.

“Naabot natin ang lahat ng tinatamasa natin ngayon nang gumagalang sa proseso at sa batas at sa karapatan ng bawat tao. Nagawa natin ito nang hindi sinisikil ang tinig nino man, at binibigyang halaga ang kalayaang ipinaglaban ng mga nauna sa atin. Naninindigan pa rin tayo: Walang mararating na tunay na pag-unlad kung isusuko ang ating dignidad at karapatan,” ani Pangulong Aquino.

Post a Comment

Facebook Blogger Plugin: Bloggerized by DailyNewsInquirer.ml Enhanced by DNI.ml

 
Top